Paglalagay ng pangalan sa ambulansiya ipinagtanggol

AMINADO si House Deputy Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na “political advertisement” ang paglalagay ng mukha o pangalan ng isang pulitiko sa ambulansya o iba pang sasakyang pang gobyerno mula sa  PHilippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Iginiit ni Suarez na bilang bahagi ng commercial at political advertisement, nakaugalian na umanong ilagay ang mga imahe at pangalan ng mga pulitiko sa government vehicles tulad ng mga ambulansya.

Aniya, hindi lamang umano sa mga ambulansya ito ginagawa kundi maging sa mga tarpaulin at poster kung saan bukod sa nakapaskil ang kanilang mga proyekto makikita rin ang kanilang mga litrato.

Giit ni Suarez na walang masama sa kaugaling ito ng mga politico.

Reaksyon ito ni Suarez sa isiniwalat ni PCSO General Manager Ferdinand Roxas II na nagbigay si dating Pangulong Gloria Arroyo sa mga “paborito” nitong mga kongresista at gobernador ng mga ambulansya kung saan nakalagay ang mga mukha at pangalan nito at isa si Suarez sa may pinakamaraming nakuhang ambulansya.

Nilinaw naman ni Suarez na ang pondong nagmula noon sa PCSO ay hindi direktang nakarating sa kanyang opisina at sa halip, napunta ito sa mga ospital sa kanyang distrito.

Bukod dito ay binigyang diin pa ng kongresista na mula nang maupo siya sa pwesto noong 1992, naglalagay na siya ng pondo sa iba pang pagamutan sa bansa tulad sa PGH, Phil. Heart Center, Phil. Orthepedic,Heart Center at iba pang pampublikong ospital sa Maynila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply