Paglinang sa kasanayan ng mga marino, paiigtingin ng TESDA

ISUSULONG ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang isang komprehensibong programa para sa mga marinong Pinoy o Filipino seafarers upang lalo pang linangin ang kasanayan tungo sa mas magandang oportunidad sa kanilang karera.

Ayon kay TESDA Director General Joel Villanueva, layunin ng programa na mapaigting ang pagtutulungan ng mga pangunahing  grupo sa maritime industry  at magkaroon ng trainers at assessors para mas mapaangat pa ang kakayahan ng mga marinong Filipino.

“Nais nating mas mapabuti ang programa sa pagsasanay upang higit na maging mahusay ang ating mga marino sa kanilang paglalayag sa buong mundo,” ani Villanueva.

“Bilang mga kinatawan ng kahusayan, dedikasyon at propesyunalismo sa industriya ng maritima at isa sa mga pundasyon ng pagpapanatili ng malakas na ekonomiya,  karapat-dapat na ibigay ng pamahalaan ang lahat ng maaaring maitulong sa mga marinong Filipino,” dagdag ni Villanueva.

Kamakailan, ideneklara ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Hunyo 25 ng bawat taon bilang “Araw ng mga Marinong Pilipino” alinsunod sa pagkilala sa kanilang malaking kontribusyon sa bansa.

Sa ilalim ng Proclamation No. 183, inatasan ng Pangulo ang kalihim ng Department of Transportation and Communications (DoTC) na pangunahan ang paggunita sa espesyal na araw ng mga marinong Filipino habang susuporta naman ang ibang mga ahensiyang may kinalaman sa maritime industry.

Sa kabila ng lumalaking pangangailangan sa mga marino sa buong mundo,  napuna ni Villanueva ang kakapusan sa kuwalipikadong Filipino marine officers dahil na rin sa kakulangan ng oportunidad sa pagsasanay at pagpapataas ng antas ng kanilang kasalukuyang kuwalipikasyon.

Nitong nakalipas na Pebrero, kinunsulta ng TESDA ang pangunahing mga grupo sa maritime industry upang malaman ang hinaing ng mga marino at mailatag ang kakailangang mga polisiya at solusyon.

Nilikha ng TESDA ang technical working group (TWG) para sa maritime industry para makita  ang posibilidad na bumuo ng grupo ng mga trainers at assessors para mabigyan ang mga marino ng isang one-stop-shop na maaaring magsanay o maitaas ang antas ng kanilang kaalaman.

Sasailalim rin ang mga marino sa assessment at sertipikasyon upang higit na maiangat ang kanilang halaga sa merkado ng paggawa.

Pag-aaralan rin ng TWG ang mga alituntunnin sa pagsasanay sa Watchkeeping Deck, Watchkeeping Engine, AB Deck, AB Engine, at Electro Technical Rating para tiyaking tumutugon ito sa International yardstick alinsunod sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers  (STCW).

Sa ngayon, may 71 training institutions sa buong bansa na nagbibigay ng 142 programa para sa deck at engine ratings na rehistrado sa TESDA alinsunod sa pamantayang itinakda ng mga patakaran ng STWC Convention.

Ang Commission on Higher Education (CHED) ang may awtoridad sa edukasyon ng mga mag-aaral ng maritime habang ang Professional Regulation Commission (PRC) naman ang nangangasiwa sa eksaminasyon, at pagkakaloob ng lisensiya, pagtaya sa kakayahan at sertipikasyon ng mga marinong opisyal.

“Makikipagtulungan ang TESDA sa CHED para sa isang maayos na programa ng  edukasyon at pagsasanay para sa maritime raters at officers  kung saan maipapasok ang rating course sa officer course upang mabigyan ng  solusyon ang maiinit na mga isyu at problemang kakapusan sa manggagawa tungo sa higit na marami at magandang mga oportunidad sa trabaho,” pahayag ni Villanueva.

Inihayag ni Villanueva na makakatulong sa pagsasaayos ng curriculum at pagbibigay ng bagong teknolohiya at pamamaraan sa edukasyon at pagsasanay sa takbo ng maritime industry sa bansa ang mahusay na koordinasyon  ng  mga ahensiya.

Umaabot sa pinakamataas na tinatayang $2.5 bilyon sa unang siyam na buwan ng 2009 ang naipadalang pera ng mga marinong Filipino na nasa  bawat daungan ng  barko sa buong mundo.

kris jose/ malakanyang/ 07-05-11

HINDI nagustuhan ng Malakanyang ang patuloy na ginagawang pagtutok ng publiko sa iisang

larawan ni Pangulong Benigno Aquino III na may malinis na lamesa at malaking crystal

ashtray na may kahon ng sigarilyo.

“Snapshot of how long the President has been in office,” ayon kay Deputy Presidential

spokesperson Atty. Abigail Valte.

Sinabi pa rin niya na kung makikita sa larawan na malinis ang lamesa ng Pangulong

Aquino at may ashtray sa lamesa nito ay hindi naman lingid sa lahat na talagang

naninigarilyo ang Chief Executive.

Kaya nga ang kanyang apela sa taumbayan ay “Shouldn’t be reading too much into the

photo. Person who took that photo submitted a number of photos as an essay for what he

had done, only photo that drew attention,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, binigyan naman ng hustisya ni Usec. Valte ang malinis na lamesa ng

Pangulong Aquino sa pagsasabing talagang malinis ito dahil nais ng Punong Ehekutibo na

bago siya umuwi  ay malinis ang kanyang lamesa at ang mga hindi natapos na trabaho nito

ay inuuwi niya sa Bahay-Pangarap.

“He makes a point to bus out everything,” aniya pa rin.

Samantala, sa opinyon naman ng iba na nilabag ng Pangulong Aquino ang batas ng MMDA

ukol sa  no smoking ay sinabi ni Usec. Valte na “Early days pa nakuha yung photo, can’t

infer directly, he was not smoking in the photo, the ashtray was empty. People are just

reading too much into  one singular photo.”

sa ulat, umani ng mahigit sa  200 negatibong komento sa social networking site na

Facebook ang kuhang larawan ni Pangulong Aquino.

Binatikos ang hindi kaaya-ayang anggulo ng ulo ni Pangulong Aquino at ang kitang-kita

na napakalaking crystal ashtray at kahon ng sigarilyo sa malinis na lamesa nito maging

ang sinasabing “shabby chic wallpaper” kung saan naka-display ang presidential seal.

“The general observation made by the commentators were that the office lacked

presidential dignity. The ash tray and cigarettes on PNoy’s desk showed he was

violating the new No Smoking Law. And his nearly empty desk was proof of a do-nothing

presidency,” ayon sa ulat.

Attn:editor
July 5, 2011/Senate

Pamilya Arroyo nagbenta ng lumang chopper sa PNP noong 2009
Ni Ernie Reyes

Ibinulgar ni Sen. Panfilo Lacson na mayroon siyang sapat na dokumento na nagpapakitang

mismong ang pamilya Arroyo ang unang may-ari ng mga helicopter na “ipinilit” ibenta

bilang brand new sa Philippine National Police sa halagang P105 milyon noong 2009.

Sinabi ni Lacson na pangunahing suspek ang pamilya Arroyo kabilang ang lahat ng lumahok

sa bentahan, bilang pangunahing kandidato sa kasong plunder dahil lumampas ang halaga

sa mahigit P50 milyon.

“Initial findings would indicate that the previous and original owners of the

pre-owned, yet sold as brand-new light police operational helicopters are the Arroyos.

While it’s bad enough that the two units were overpriced and therefore grossly

disadvantageous to the government, passing them off as brand-new smacks of brazen

deceit and utmost bad faith,” aniya.

Isinusulong ni Lacson ang isang imbestigasyon hinggil sa pagbili ng halagang P105

milyong helicopter para gamitin ng Special Action Force ng PNP noong 2009 sa

pamamagitan ng Senate Resolution No. 518 na naglalayong ungkatin ang proyektong pagbili

ng Light Police Operational Helicopter (LPOHs) mula sa   Manila Aerospace Products

Trading Corp. (MAPTRA).

Ayon kay Lacson, noong Hulyo 9, 2009, inaprubahan ng PNP Negotiation Committee ang

paggawad ng kontrata sa MAPTA para sa isang Robinson R44 Raven II at dalawang Robinson

R44 Raven I helicopter.

Pero, natuklasan na pumasok lamang ang MAPTRA sa naturang negosyo nitong Hunyo 2009,

isang buwan bago maisakatuparan ang bentahan at natuklasan din na nauna nang mayroon

nagmamay-ari sa mga sinasabing bagong helicopter noong pang Marso 2004.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Lacson na hindi maaaring sisisihin ang mga opisyal ng

pulisya na sangkot sa bentahan dahil sila ang complicit partners.

“The First Couple were so powerful at that time that ramming the used helicopters down

the throat of the police was easy and effortless. And since the proceeds could exceed

the P50-million threshold in a series of acts, those liable are candidate for a plunder

case under our existing laws,” giit ni Lacson. Ernie Reyes

ATTN : Ms Lydia
Teresa Tavares
July 5

Hindi nagpalabas ng Temporary Restraining Order(TRO) ang Korte Suprema kaugnay
sa petisyon na humihiling na ibasura ang Republic Act  10153 o ang batas na
nagpapaliban sa ARMM election sa taong 2013 sa halip na sa nakaiskedyul  na sa
Agosto 8.

Sa isang press briefing sinabi ni SC Spokesman Atty. Midas Marquez na sa halip
na magpalabas ng TRO ay inatasan ng SC ang Malacanang na maghain ng kanilang
komento sa inihaing petisyon,sampung araw ang ibinigay ng SC sa Malacanang at
hindi na umano ito ieextend o palalawigin.

Pagkaraan nito ay saka umano dedesisyunan ng SC ang petisyon na tumututol sa
pagpapaliban ng ARMM election.

Una nang naghain si House Minority Leader Edcel Lagman ng petisyon na humihiling
na ibasura ang RA 10153 dahil sa pagiging labag sa batas, parehas din naman ang
argumento sa inihaing petisyon ng PDP Laban sa pangunguna ni dating Senate
President Aquilino Pimentel  na nagsabing labag sa autonomiya ng rehiyon ang
pagpapaliban sa eleksyon gayundin ang planong pagtatalaga ng isang Office in
Charge at ang petisyon ni Atty. Romeo Macalintal na nagsabing paglabag sa
karapatan ng mga residente na bumoto at pumili ng kanilang lider ang
pagpapatupad ng RA 10153.

Ipinaliwanag ni MArquez na pinagsama-sama na ang nasabing mga petisyon.

80-anyos lola niluray na, ninakawan pa

SHOCK ang 60-anyos lola nang gahasain saka pagnakawan ng hindi nakikilalang suspek sa

Carcar, Cebu City iniulat ng pulisya nitong Martes.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang panghahalay sa loob mismo ng

kuwarto ng biktima na itinago sa pangalang Amo Roma, ng Sitio Upper Katugasan, Brgy.

Can-asujan, Carcar, Cebu.

Ang biktima ay kilalang nagpapautang ng pera sa kanilang lugar at sinasabing may

diperensya na sa kanyang paningin.

Target ng manhunt operation ng Cebu PNP ang hind pa nakikilalang manyak na tumangay sa

pera ng lola matapos halayin na nagkakahalaga ng P34,000.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni Carcar PNP sa pangunguna ni SPO1 Reynaldo Fuentes may

hawak ng kaso sinalisahan ng biktima ang matanda ng pumuslit sa kusina.

Bigla na lamang aniya umano itong tumabi sa matanda, subalit nanlaban ang biktima kaya

nabugbog muna ito bago naisagawa ang panghahalay.

Matapos gawin ang panghahalay ay tinangay nito ang pera ng biktima.

Humingi ng tulong ang lola sa kanyang anak na si Felix na nagdala sa Vicente Sotto

Memorial Medical Center.VERLIN RUIZ

ATTN:  SIR FORT
MELIZA MALUNTAG
JULY 5, 2011

Tikom ang bibig ng kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo

kaugnay ng isinusulong na imbestigasyon ng fact finding body ng Ombudsman kaugnay sa

P728 milyon fertilizer fund scam.

Ito ay makaraang magpalabas ng direktiba si Acting Ombudsman Orlando Casimiro na kaagad

kalkalin  ang nasabing kontrobersiya na kinasasangkutan ng dating pangulo at ng mga

alipores nito.

Ipinaliwanag ni Casimiro na hindi nila tinanggap ang apela ng kampo ni Arroyo na walang

matibay na ebidensya na magdidiin sa dating pangulo sa natruang katiwalian.

Ito ang dahilan ng Ombudsman sa pagbaligtad sa unang rekomendasyon na nagbabasura sa

kasong katiwalian na isinampa ni dating Solicitor General Frank Chavez.

Hindi nagbigay ng anumang komento ang tagapagsalita ni GMA na si dating Congresswoman

Maite Defensor maging ang anak ng dating pangulo na si Camarines Rep. Diosdado “Dato”

Arroyo ay ayaw din magbigay ng pahayag sa panibagong kontrobersiya na kinasasangkutan

ng kanyang ina.

Isang special team ang nakatakdang likhain upang siyang direktang makipagtulungan umano

sa resident Ombudsman sa Department of Agriculture upang malaman kung nasunod ang

requirements sa ilalim ng Government Reform And Procurement Act. (meliza maluntag)

ATTN:  SIR FORT
MELIZA MALUNTAG
JULY 5, 2011

HAHARAPIN ni dating House Speaker Prospero Nograles ang imbestigasyon ng Senado kaugnay

sa kontrobersyal na donasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kabilang

dito ang umano’y maanomalyang pamimigay ng ambulansya.

Suporta ni Nograles ang im bestigasyon upang  matunton ang ugat ng nasabing alegasyon

at marepaso ng Kongreso ang charter ng PCSO.

Ginawa ni Nograles ang pahayag matapos mapabilang ang kaniyang pangalan sa inilabas na

listahan ng PCSO na diumano’y tumanggap ng ambulansya kasama ang 20 iba pang

kongresista na inilarawan ng PCSO na mga paboritong kaalayado ni dating Pangulo at

Pampanga rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Kinumpirma ng dating House Speaker ang donasyon na  dalawang ambulansya ng PCSO sa

kanyang distrito subalit ngunit hindi aniya dahil sa kaalyado siya ng dating pangulo

kasabay ng pagsasabing ang ambulansya ay hindi para sa kaniyang personal at political

na benepisyo kundi sa Davao Medcial Center at sa Emergency 911 project ng Davao City.

Kabaliktaran aniya ito sa alegasyon ni PCSO chair Margie Juico na ang mga ambulansya at

iba pang PCSO donation at endowments ay political rewards sa mga kaalyado ni Arroyo

dahil maging ang mga miyembro ng oposisyon ay nakinabang sa PCSO sa kanilang medical

and hospitalization assistance program sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Nanawagan naman ang Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP) sa pangunguna

ng national chairperson nito na si Elizabeth Angsioco na masusing imbestigahan ang

aniya’y mga ‘Kadiri’ Bishops na tumanggap ng mga SUVs mula sa PCSO.

“There should be no sacred cows, even members of the influential Catholic Bishops’

Conference of the Philippines (CBCP) are subject to our laws,” ayon kay Angsioco

Ang DSWP ay pangunahing tagapagtaguyod ng Reproductive Health bill na labis na

tinuligsa at halos ipagtabuyan ng mga pari at Obispo sa panahon ng kanilang mga misa.

(meliza maluntag)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply