Paglobo ng unemployed dahil sa Saudization dapat paghandaan

DAPAT na paghandaan ang pagbabalik sa Pilipinas ng overseas Filipino workers (OFWs) na mapapabilang sa unemployed sa bansa.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay na nararapat na magkaroon  kaagad ng konkretong solusyon ang pamahalaan para sa napipintong pagdagsa ng libu-libong OFWs na mawawalan ng trabaho.

Ang napipintong pagbabalik ng OFWs ay kasunod ng pagpapatupad ng Saudi ng Saudization na ibibigay na lamang sa mga kababayan nila ang mga trabaho at hindi na kukuha ng mga dayuhang manggagawa.

Sinabi ni Magsaysay, na tila walang plano ang gobyerno dahil anumang oras ay maaari ng umuwi ang mga OFWs na walang madadatnan na trabaho pag-uwi at hindi matutumbasan ng pamahalaan kung ano ang trabaho at sahod na kanilang nakukuha roon.

Ayon pa sa Kongresista, puro motherhood statements ang lagging inihahayag ng Aquino administration sa tuwing tatanungin sa kanilang plano para sa mga OFW ngunit wala namang kumpletong detalye kung paano ba mareresolba ang nasabing problema.

Dagdag pa ng mambabatas, tiyak na malaking suliranin ito sa ating bansa at nakatatakot na aniyang isipin ang magiging bunga kung walang magagawa ang gobyerno rito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply