Paglulustay ni PNoy sa P77B Malampaya funds tutuldukan

TUTULDUKAN ni ni Sen. Ralph Recto ang walang patumanggang paglulustay ni Pangulong Benigno Aquino III sa P77B Malampaya funds na hindi isinasama sa national budget bagkus ginagawang sariling pondo ng chief executive.

Ayon kay Recto, dapat nang magkaroon ng last minute na pagbabago ang Palasyo sa inihain na P1.816 trilyong pambansang badyet para sa 2012 sa pamamagitan nang pagsasama sa kinikita ng pamahalaan sa Malampaya national gas project sa Palawan.

Sa ngayon, hindi itinuturing na pambansang badyet ang P77B bilyong nakokolekta ng pamahalaan kada taon sa Malampaya natural gas project, kundi ginagamit ito ng Pangulo ng bansa sa anumang kagustuhan nito.

“The  inclusion of the Malampaya funds in the BESF of the General Appropriations Act (GAA) would guarantee transparency in its disbursement  and democratize the allocation or utilization of said funds for priority programs and projects,” ayon kay Recto.

Tinutukoy ng BESF ang pinanggagaling ng pondo sa panukalang gastusin ng pambansang pamahalaan na kabilang ang buwis, pangungutang, kinikita sa state agencies, bayarin at kinikita sa privatization.

“Nagsalita na ang Commission on Audit, na dapat tukuyin ng Kongreso kung  saan gagamitin ang Malampaya funds. Gusto ng mga Heidi Mendozas sa COA na itigil na ang paggamit bilang presidential kitty sa naturang pondo,” giit ni Recto, chairman ng Senate committee on ways and means.

“Kung dati ay budget orphan, dapat maging bahagi na ang Malampaya fund ng opisyal na pamilya ng  pambansang badyet,” giit pa ni Recto.

Sinabi pa ng senador na maaaring gamitin ang Malampaya funds upang pondohan ang programa ng Department of Energy sa programang may kaugnayan sa enerhiya at bayaran ang pambansang obligasyon na siyang panukala ng COA.

“The Malampaya funds have long been floating up in the budget clouds, the time has come to escort it down to the fold of the GAA or the annual budget,” ayon kay Recto.

Tinatayang umaabot sa P9 bilyon hanggang P11 bilyon ang nakukuhang sapi ng pamahalaan mula sa Malampaya gas project na mayroon nang kabuuang P77.2 bilyon sa ngayon.

Natuklasan ng COA na umabot sa P19.4 bilyon ang nilustay ng Office of the President mula sa Malampaya fund para sa proyektong walang kinalaman sa pagpapaunlad ng enerhiya at tanging 1.27 porsiyento lamang ang napunta sa DOE para sa elektripikasyon ng 211 baryo sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply