May nasa likod ni Col. Mariano – Trillanes

KUWESTIYUNABLE kay Sen. Antonio Trillanes IV ang biglang paglutang ni dating Marine Col. Generoso Mariano na nanawagang patalsikin sa pwesto si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Binigyang-diin ni Trillanes na wala naman siyang nakikitang problema upang palitan si Pangulong Aquino dahil maging ang kanilang ipinaglalaban noong nakaraang administrasyon na magkaroon ng reporma sa sandatahang lakas ay natutugunan naman aniya ng kasalukuyang pamahalaan.

Dahil dito, kumbinsido si Trillanes na may mga tao o grupong nasa likod ng naging panawagan ni Mariano.

Naniniwala rin ang senador na hindi na dapat seryosohin ang naging panawagan ni dating Marine Col. Generoso Mariano na patalsikin na sa puwesto si Pangulong Aquino at iginiit nito na walang laman at basehan ang mga naging pahayag ni Mariano.

Binigyang-diin ni Trillanes na hindi sapat ang isang taong panunungkulan ng Pangulong Aquino upang husgahan agad.

Gayunman, nangangamba si Trillanes na hindi ito ang huling may nananawagan na patalsikin sa pwesto ang pangulo dahil  marami na  ang nagbabalak ng masama laban sa administrasyong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply