Pagpipilian sa pagka-Ombudsman 2 na lang

DALAWA na lang ang nakatakdang kausapin ni Pangulong Benigno Aquino III para pagpilian bilang bagong Ombudsman.

Tiniyak ni Pangulong Aquino na isa si Supreme Court justice Conchita Carpio-Morales sa dalawang nakatakda niyang makaharap at kausapin sa bagay na ito.

“Kawawa naman yung 2 hindi ko naabisuhan o yung isa na hindi ko makakausap. Abisuhan ko muna yung hindi ko makakausap,” ang pahayag ng Chief Executive.

Umaasa naman ang Chief Executive na mabibigyan siya ng sapat na panahon na makaharap at makausap ang mga nominadong nabanggit.

“I’m hoping I will be given enough time to meet with them by the appointments group that sets the schedule,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

Nauna rito, sinabi naman ni deputy presidential spokesperson Atty.  Abigail Valte na hawak na ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang pangalan nina Morales bilang nirekomendang kandidato ng Judicial and Bar Council (JBC).

Ang Chief Executive ay may hanggang Agosto 14 para pangalanan ang bagong Ombudsman.

“Under the 1987 Constitution, a sitting president is mandated to appoint the Ombudsman only from the shortlist prepared by the JBC 90 days after the position was vacated,” ang pahayag ni Usec. Valte.

Nagbitiw sa puwesto si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez noong Mayo.

Samantala, nilinaw din ni PNoy na wala pa siyang itinalagang bagong customs chief.

“I haven’t appointed anybody,” ang pahayag nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply