Pagproseso ng NBI clearance high-tech na

SISIMULAN na sa Lunes, Hulyo 4, ang Biometric Clearance System (BCS) sa layuning mas mapaganda pa ang information technology ng kagawaran, kasunod ng pansamantalang pagtigil ng tatlong araw ng pagproseso ng NBI application clearances.

Nilinaw ni NBI spkeperson , Atty. Cecilio Zamora, na sadyang hindi na nag-renew ng NBI ng kontrata para sa service provider na Mega Data Corporation na nagbigay-daan sa transition period o preparasyon ng pagpasok ng bagong service proider Strategic and Comprehensive Consultants, Inc. (SCCI) na joint venture ng Real Time Data Management Services , Inc.  (RTDMS) na inaprubahan ng NBI Bids and Awards Committee.

Ang BCS ay pasisimulan sa clearance center na kinabibilangan ng Robinson’s Place Ermita (basement); Robinson’s Otis (Level 2); Robinsons Galleria (East lane, Basement)’ Robinons Mtero East Pasig (Level 4); Robnonsons Cainta (Level 2); Quezon City Hall; Mandaluyong City Hall; Marilao Municipal Hall at Las Pinas ity Hall.

Nilinaw naman ni Zamora na ang NBI at regional at district offices sa bansa ay patuloy naman ang serbisyo at hindi naapektuhan ng pansamantalang pagtigil ng clearance application service.

Pinabulaanan naman ni NBI Director Magtanggol Gatdula ang akusasyon na may anomalya sa bidding ng bagong service provider dahil alinsunod umano ito sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply