Pagsasapribado ng PCSO, Pagcor ibinasura

TUTOL ang mga kongresista sa planong pagsasapribado ng operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

Tahasang sinabi ni Citizens Battle Against Corruption (Cibac) party-list Rep. Sherwin Tugna na magandang balita sa pagnenegosyo ang pagsasapribado ng PCSO subalit isang malaking kawalan naman umano sa mga gawaing pangkawang-gawa ng pamahalaan.

Mawawalan umano ng kabuluhan ang layunin ng gobyernong makatulong sa mga kapus-palad sa sandaling ang intensyon ng PCSO ay ang kumita imbes na tumulong.

Giit pa ni Tugna na ang problema ng PCSO ay hindi ang pamamalakad dito kundi ang pagkabigo nito na kumita at tumaas ang assets upang magamit na pantulong sa mga mahihirap na benipisyaryo ng tulong mula dito.

Aniya, ang tunay na kinukwestyon dito ay ang sistema ng pamamahagi ng ambulansya at iba pang tulong pinansyal kung saan sangkot ang ilang matataas na opisyal ng ahensya..

Hindi umano marapat na maapektuhan nito ang operasyon.

Sa panig naman ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, ang pagsasapribado ng PCSO ay isusulong kung pangmatagalang solusyon at ang gobyerno ay dapat na umalis sa negosyong sugal at tumutok na lamang bilang regulator.

Subalit sa kasalukuyan umano ay dapat magkaroon muna ng agarang structural reforms sa disbursement ng PCSO funds upang masigurong mayroong transparency at mapupunta lamang ang pondo sa mga nangangailangan ng tulong.

Sinabi naman ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay, marami pang dapat na pagkabalahan kaysa ang pagsusulong ng pagsasapribado ng PCSO.

Naunang inirekomenda ni Sen. Franklin Drilon ang pagsasapribado ng PCSO matapos na mabunyag sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang iligal na paggamit ng intelligence funds ng ahensya.

Bukod sa PCSO ay inirekomenda rin ni Drilon na isapribado ang Pagcor upang masiguro ang transparency sa kita ng lotto at casino operations.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply