Pagsasawalang-bisa ng stock distribution sa Luisita pabor sa magsasaka

NANINIWALA ang ilang pribadong sektor na pabor sa mga mamayang magsasaka ang pagsasawalang-bisa sa stock distribution program ng Hacienda Luisita.

Ayon kay Atty. Alan Paguia na maganda ito para sa mga magsasaka dahil lupa na lang ang isasauli sa mga ito sa halip na share of stocks na hindi naman alam ng mga ito kung paano nila gagamitin.

Maari rin aniya mamimili ang mga ito kung gusto nilang makakuha ng lupa o share of stocks sa pamamagitan ng certificate na ipamamahagi sa mga receivers ng grant.

Samatala, wala pang hawak ang Malakaniyang na kopya ng desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa Stock Distribution Plan sa Hacienda Luisita.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte,  “no comment” muna ang Palasyo hinggil sa usapin.

Sinabi pa ni Valte na kailangang basahin at intindihin muna nila ang desisyon ng High Tribunal bago magsalita.

Gayunman, binigyang diin ni Valte na matagal nang nag-divest ang Pangulong Benigno Aquino III sa Hacienda Luisita na pagmamay ari ng pamilya nito.

Hindi naman natuwa ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita sa desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang SDO o Stock Distribution Options na ini-aalok ng pamilya Cojuangco.

Ayon kay Atty. Jobert Pahilga, abogado ng mga magsasaka dapat ay ipag-utos ng gobyerno ang aktuwal na pamamahagi ng lupain sa mga farmer beneficiary.

Sinabi ni Pahilga na sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema, nabigo itong resolbahin ang pangunahing kuwestyon sa legalidad ng SDO.

Sa kabilang dako tanggap naman ng pamunuan ng Hacienda Luisita Incorporated (HLI) ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa SDO at sa halip ay magsagawa ng referendum.

Tiniyak ni Atty Tony Ligon, abogado ng HLI, ang kahandaan nilang tumalima sa nasabing desisyon ng high tribunal.

Sinabi ni Ligon na ang nasabing desisyon ng Korte Suprema ay halos kapareho ng naging pasya ng mababang korte sa naunang compromise agreement na nabuo noon sa pagitan ng HLI at farmer-beneficiaries. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply