Pagtanggap ng Pajero ng mga obispo binatikos ni Lagman

MARIING binatikos ni House Minority Leader Edcel Lagman ang mga Obispo na tumanggap ng Pajero mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Giit ni Lagman na hindi krimen ang pagtanggap ng mga mamahaling sasakyan o ng pera ng mga Obispo pero isa aniya itong mabigat na kasalanan.

Ipinaliwanag ni Lagman na morally offensive ang ginawa ng mga isinasangkot na obispo kahit pa wala naman aniyang naging paglabag ang mga ito sa Revised Penal Code kaugnay sa pagtanggap o ang paghingi ng sasakyan o donasyon mula sa tanggapan ng PCSO.

Binigyan katiyakan naman ni Senate President Juan Ponce Enrile na magiging patas ang Senado sa isa gagawing imbestigasyon kaugnay sa mga obispo na nasasangkot sa iskandalo.

Ayon kay Enrile, hindi dapat husgahan ng maaga ang mga obispo laban sa akusasyon na tumanggap sila ng mamahaling sasakayan mula sa Arroyo administration.

Katunayan, hindi naniniwala si Enrile na sinamantala ng mga obispo ang umano’y regalong mga sasakyan ng gobyerno noon ni Arroyo, lalo’t hindi aniya pulitiko, negosyante o gahaman ang mga lider ng simbahan.

Ayon kay Enrile, kailangang mabigyan ng pagkakataon ang mga inaakusahan na magpaliwag habang bubuo naman ang Kongreso ng panukalang batas na magbabago sa sistema sa pamamahala sa PCSO kung kinakailangan.

Samantala, inaasahang buong puwersang dadalo ang mga opisyal ng PCSO sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ng kanilang chairman na si Margarita Juico at mga board members matapos na magbigay ng kumpirmasyon ang lahat ng mga imbitado. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply