Pagwasak ng mga peke gawing buwanan – BoC

SA PAGKAKASABAT ng P50-milyon pekeng sapatos at audio equipment noong Miyerkules, Hunyo 29, inaasahan ng Bureau of Customs (BoC) na mawawasak na ang imahe ng Pilipinas bilang tambakan ng mga pekeng produkto .

Hinamon ni Customs Commissioner Angelito Alvarez ang Intellectual Property Office, na pinumumunuan ni Ricardo Blancaflor, na gawing buwanan ang dating taunan lamang na seremonya ng pagwasak sa mga nasasamsam na pekeng produkto.

Sa ngayon ay isinasagawa ito ng IPO tuwing Anti-Counterfeit Day lamang.

Sinabi rin ni Alvarez na huwag alisin ang paniwala na kung sama-sama ang lahat ay maaaring magwagi ang pamahalaan laban sa mga lumalabag sa intellectual property rights.

Ayon naman kay Interior Undersecretary Rico Puno, maraming investor ang papasok kapag nawala ang pamimirata sa bansa.

Nanawagan naman ang chairman ng Optical Media Board na si Ronnie Ricketts na protektahan, bantayan at tangkilikin ng sambayanan ang mga lokal na artista at kumpanya sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang interllectual property rights.

Sa kabila nito ay nananatili pa rin ang Pilipinas sa watch list ng US Trade Representative ng mga bansang wala umanong epektibong programa laban sa lumalabag sa intellectual property rights. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply