‘Pajero 7’ walang pananagutan sa batas- Drilon

TINIYAK ngayon ni Senador Franklin Drilon na walang pananagutan sa batas ang mga obispo, na tinaguriang “Pajero 7,” na tumanggap ng mga mamahaling sasakyan mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon naman kay Senador Ralph Recto, ang dapat papanagutin ay ang mga opisyal ng PCSO na siyang nagbigay ng mga sasakyan sa mga obispo.

Kasabay nito, umaasa ang mga Senador na matutuldukan na ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga alagad ng simbahan sa sandaling maisauli na ng mga ito ang mga mamahaling sasakyan na kanilang natanggap.

Samantala, kontra naman sa usapaing hindi pagpapanagot sa mga obispo si Iloilo Representative Jeanette Garin.

Giit ni Garin, hindi ito makatarungan sa hanay nilang mga mababatas.

Ikinatuwiran ni Garin na kung ang mga opisyal ng gobyerno aniya ang nakatanggap ng mamahaling mga sasakyan, tiyak na mahaharap ang mga ito sa impeachment o anumang kaso.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply