Pajero Bishops babawian ng SUVs ng PCSO

BAHALA na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board na bawiin ang sports utility vehicles (SUVs) na ibinigay sa ilang Catholic bishops at mga ambulansiya naman sa local officials.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na ipinauubaya na nila ang usapin sa PCSO board dahil sila naman ang nagdesisyon na mamahagi ng nasabing sasakyan.

“The vehicles, yung PCSO has its own board, sila po yung magdedeisyon kung ano ang action,” anito.

Tiniyak naman ni Usec. Valte na wala siyang nakikitang ilegal sa pamamahagi ng PCSO ng mga ambulansiya sa mga lokal na opisyal.

“The CoA pointed out in its annual report in 2009 amount disbursed to five churches yung motor vehicles. walang illegal dahil ang  sharing ay 60-40 with LGU. It’s up to PCSO – being the collegial body that it is, decides this on the thoughts, on the decisions asked thru its board,” ang pahayag ni Usec. Valte.

Sa kabilang dako, pinabulaanan ng Malakanyang na natigil ang pagbibigay ng financial assistance ng PCSO sa mga mahihirap na Filipino.

Sa katunayan aniya ay nakakakuha ng P20,000 ang mga walk-in applicants ng PCSO.

Sa kabilang dako, inamin ni Usec. Valte na may mga utang pa ang PCSO sa mga government hospital habang may mga guarantee letters ang walang pondo ang patuloy nilang inaaksyunan.

Dinepensa naman ni dating PCSO chair Manuel Morato ang pamimigay nila ng mga  sports utility vehicles (SUVs) na ibinigay sa ilang Catholic bishops at mga ambulansiya naman sa local officials kung saan ay sinabi nito na management call aniya iyon ng dating  PCSO Board of Directors despite a PCSO policy  sa kabila ng kailangang baliktain ng mga benepisaryo a 40% ng presyo ng mga sasakyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply