‘Pajero bishops’ cover-up sa anomalya sa PCSO

NAIS ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na imbestigahan ang pagtutukoy sa tinaguriang “Pajero bishops” na hinihinala niyang cover-up lamang sa mas malalim na anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa kanyang manipestayon bago simulan ang pagdinig nitong Miyerkules, sinabi ni Santiago na dapat amyendahan din ang karta ng PCSO at ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) at ilang ahensya na nagbibigay ng charity funds.

Ayon kay Santiago, dapat hubaran ng maskara ang sinumang nagsabi na pawang “Pajero” ang natanggap ng mga obispo dahil wala namang ganitong uri ng sasakyan na nakalista sa report ng Commission on Audit (COA) noong 2009.

“I, therefore, recommend to investigate the source of the report on the so-called Pajero bishops. Eh wala naman palang Pajero eh, puro old na sasakyan,” ayon kay Santiago.

Naniniwala si Santiago na isang cover-up lamang ang pagtutukoy sa mga Obispo na tumanggap ng sasakyan bilang Pajero Bishop dahil may mas malalim na anomalya sa PCSO partikular ang pagdedeposito ng ahensiya ng halagang P1.5 bilyon sa isang pribadong bangko.

“Was this designed to cover up the depositing of P1.5 billion to a private bank,” ayon kay Santiago, na hindi nagpangalan ng bangko.

Gamit ang COA report noong 2009, sinabi ni Santiago na dapat mag-audit lamang ang COA sa partikular na ahensya sa pondong ginagamit, at hindi dapat tukuyin ang constitutional law na kongklusyon ng komisyon na nilabag ang Saligang Batas sa pagbibigay donasyon ng sasakyan sa mga obispo.

Gusto rin ni Santiago na bawasan ang burukrasya ng PCSO dahil ito ang tanging dahilan kung bakit nagkakaroon ng anomalya sa ahensya sa pagbibigay ng tulong-medikal at paghahatid ng charity works sa mga mamamayan.

Hiniling din ni Santiago sa Senado na magkaroon kaagad ng pagdinig hinggil sa kanyang panukala na amyendahan ang karta ng PCSO at Pagcor.

“Not only the PCSO charter but all the law should be amended that allocates funds for charity,” paliwanag ni Santiago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply