‘Pajero bishops’ ipinangalap ng pera pambili ng SUVs

NAIS ng isang church-based group na maibiling muli ng mga bagong sasakyan ang mga obispo ng Simbahang Katoliko upang magamit sa paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga mahihirap sa mga liblib na lugar.

Ito’y kasunod nang pagsasauli ng pitong Obispo ng mga sports utility vehicle (SUV) na unang binili nila galing sa pondong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kaugnay nito, nagsagawa ng fund-raising activity ang grupong Coalition for Family and Life sa Quiapo, Maynila sa pangunguna nina election lawyer Romulo Macalintal at dating Manila Mayor Lito Atienza Jr. nitong Biyernes ng umaga sa Quiapo, Manila.

Marami namang mga deboto ang nagkaloob ng P1 hanggang P20 bawat isa bilang suporta sa proyekto.

Matatandaang nasangkot ang ilang obispo nang tumanggap ang mga ito ng malaking halaga ng salapi upang bumili umano ng mga Mitsubishi Pajeros.

Malaunan ay lumitaw rin sa isinagawang pagdinig ng Senado sa kontrobersiya na wala ni isa sa mga obispong isinangkot ang tumanggap ng Pajero.

Nilinaw ng mga ito na ang mga sasakyan ay hindi ginamit para sa sariling kapakinabangan kundi sa pagtulong sa mga mahihirap na residente sa kanilang mga nasasakupang lalawigan.

Isinauli na rin naman ng mga obispo ang mga kinukuwestiyong sasakyan sa PCSO, na nagbunsod sa nasabing grupo upang magdaos ng fund-raising campaign.

Nagtayo ang grupo ng isang tent sa harapan ng Quiapo Church, kung saan nakalagay ang mga transparent container na maaaring paghulugan ng mga deboto ng kanilang donasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply