‘Pajero Bishops’ mga hipokrito — Lagman

MAITUTURING na mga “hipokrito”  ang mga Obispo na tumanggap ng mamahaling sasakyan mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ang sinabi ni House Minority Leader at Albay Rep. Edcel Lagman dahil isang ka-ipokrituhan aniya ang pagtanggap ng donasyon ng mga Obispo mula sa PCSO gayung dapat ay tutol ang simbahan sa lahat ng uri ng sugal.

Binigyang diin pa ni Lagman na ang constitutional injunction laban sa appropriation, payment o application, direkta o hindi man sa pampublikong pera o ari-arian para sa o benepisyo o suporta sa anumang sekta, simbahan, denominasyon, relihiyon, maging sa mga pari, ministro at iba pang religious teacher ay hindi excuse upang i-promote ng simbahan ang kanilang charity activities.

“The contrite demeanor of the concerned bishops, capped by an irrevocable offer to return the controversial vehicles, mollified the Senators and the prelates got away with nary a parking ticket.”

Binigyang diin pa ng kongresista na ang pinapayagan lamang na paglaanan ng mga pondo o ari-arian maging ito man ay donasyon para sa pari, o dignitaryo ay ang mga nakatalaga sa Armed Forces o saan mang penal institution,  orphanage o leprosarium.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply