Isyu ng ‘Pajero bishops’ tatalakayin ng CBCP

ISA ang kontrobersiyang pagtanggap ng ilang obispo ng Simbahang Katoliko ng Mitsubishi Pajero mula kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa mga isyu na tatalakayin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa idaraos na plenary assembly ng mga obispo sa susunod na linggo.

Sinasabing galing sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pondong ipinambili ng mga luxury vehicle na ibinigay sa mga obispo.

Ayon kay CBCP president at Tandag Bishop Nereo Odchimar, personal niyang aalamin ang panig ng mga obispong isinasangkot sa iskandalo dahil  sa ngayon aniya ay wala siyang nalalaman hinggil dito.

“We will discuss the matter at the plenary assembly. I still have to listen to the opinions of the other bishops,” ayon kay Odchimar.

Aminado rin naman si Odchimar na simula pa noong 2005 ay mayroon na silang polisiya sa CBCP na hindi tatanggap o magso-solicit ng pondo mula sa perang galing sa sugal.

Gayunman, hindi aniya ito palaging nasusunod lalo na kung ang kapakanan ng mahihirap ang nakataya.

“But as I said, this was not generally followed for the benefit of the poor. The needs of the poor are of primary importance,” ani Odchimar.

“For example, if someone sick and in critical condition comes to me, would I still hesitate to recommend him to Pagcor (Philippine Amusement and gaming Corporation)? It’s a matter of life and death,” aniya pa.

Iginiit pa ni Odchimar na ang mga obispo at ang kanilang diocese ay independent sa isa’t isa at direktang responsable kay Pope Benedict XVI.

Ang plenary assembly ng mga Obispo ay nakatakdang idaos sa Hulyo 8-10 sa Pius XII Center sa Paco, Manila. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply