Pajero, Montero, pick-up at iba pa, ganun pa rin yun

PAJERO, Montero, Pick-up na 4×4 at kung ano-ano pa ay hindi mahalaga. Kung may pagkakamali man si PCSO Chair Margie Juico ay nagkataon lamang na mali ang brand ng mga sasakyang ibinigay pero ang katotohanan ay may natanggap na SUV ang mga obispo. Ito ay inamin mismo ng mga obispo at humingi pa sila ng tawad sa Senate Blue Ribbon Committee hearing at nagdesisyon din silang ibalik ang mga nasabing sasakyan. Ang hindi alam ng lahat, itong si Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos ay nabalitaang bumili ng isang brand new Montero.

Ang hindi lang kasi maganda rito ay pinalaki ng mga kalaban ng gobyerno ang pagkakamali ni Juico. Isang maliit na pagkakamali na maituturing na very petty. Ano ba talaga ang isyu? Ang isyu ay graft and corruption. Nililinis ni Juico ang dumi sa loob ng PCSO. Nililinis niya ang basura sa nakaraang rehimen na iniwan ng mga dating opisyal.

Ang nakapagtataka, bakit hindi kinokondena ng mga obispo ang nakaraang board sa paglustay ng pera sa PCSO tulad ng mga iligal na paggamit sa P300-million intelligence fund. Kung talagang sinsero ang mga obispo (yung apat lang naman) bakit hindi nila tulungan si Juico na malinis ang PCSO at maipakulong ang mga tulisan?

Incidentally, ang mga sasakyang ibinalik ng mga obispo ay isusubasta ng PCSO at ang kikitain ay ipagkakaloob sa mga mahihirap na mga mamamayang pinagsisilbihan ng mga obispong nagsauli ng sasakyan.

***

Loteng ni major at mayor sa Pasig

Pinasok ng magpakner na alyas Waway at Benjie ang pa-loteng sa kaharian ni Pasig City Mayor Robert ‘Bobby’ Eusebio.

Malakas ang loob na pasukin ng magpakner ang operasyon ng loteng sa buong Pasig City dahil may go-signal ang dalawa kay Maj. Aquino, ang hepe ni meyor sa city hall.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply