Palasyo dapat maghinay sa hiling Zaldy Ampatuan

BINALAAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang Malakanyang na maghinay-hinay sa pagpatol kay dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan dahil posibleng pakawala lamang ito ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang malibre sa kaso.

Ito ang iginiit ni Cayetano makaraang ihayag ni Justice Secretary Leila de Lima na kahit hindi maging state witness si Zaldy Ampatuan sa Maguindanao Massacre case ay posible naman itong maging state witness sa ibang magiging kaso laban sa dating Pangulo, tulad ng dayaan sa eleksyon sa pagka-senador noong 2007 at ang kickback sa farm-to-market road sa Mindanao.

“Baka ilibre siya (Ampatuan) at gamitin siyang state witness i-bungle naman niya ang evidence at saka testimony, hindi rin ma-convict ‘yung mas mataas sa kanya. Imbes na mayroon man lang isang maparusahan, parehong hindi. So extreme caution if anything will be promised,” pahayag ni Cayetano.

Pinayuhan pa ng senador ang Malakanyang na huwag munang mangangako ng anuman sa dating gobernador kundi dapat muna nilang pag-aralan ang mga ibinunyag nito at kung mayroon ba itong nakahandang ebidensiya.

“Don’t offer anything to them but listen to them and evaluate, ‘Ano ba ang ebidensiya?’ Salita lang ba ‘yan, testimony, self-serving , totoo ba o hindi?” ayon kay Cayetano.

Paliwanag pa ng senador: “Based on the evidence and based on the cases that can be filed, doon pa lang magsimula na kung saan puwedeng mag-state witness at saan hindi in consultation with the victims of the crimes already committed.”

Idinagdag pa nito na kung pangsuporta lamang sa mga hawak na ebidensiya ng gobyerno ang ibibigay ni Ampatuan ay wala nang silbi ang pagtanggap dito bilang state witness.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply