Palasyo hangad ang matagumpay na operasyon ni GMA

HANGAD ng Malakanyang na maging matagumpay ang isasagawang operasyon kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang dating lider ay dinala sa St. Luke’s Medical Center Lunes ng hapon at nakatakdang isailalim sa cervical spine operation upang maiwasan nito ang mabaldado.

Ayon kay presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda, bagama’t isinusulong nila ang paghahain ng kaso laban kay Arroyo ay nais nilang maging matagumpay ang operasyon nito.

Nananawagan din ang Palasyo sa publiko na ipagdasal ang recovery ng dating Pangulo.

“We wish her well. We wish her successful operation. We ask people to pray for he,” ani Lacierda.

Sa ulat, nanganganib na maparalisa ang katawan ni Arroyo kapag hindi kaagad ito naoperahan.

Sinabi ni Dr. Juliet Gopez-Cervantes ng St. Luke’s Medical Center, nagkaroon ng problema ang ugat sa bahagi ng leeg ng former president kung kaya’t kanilang inirekomenda na maoperahan agad ito.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay naospital na rin ang dating Pangulong Arroyo dahil sa tinatawag na pinched nerve sa leeg.

Inamin naman si Dr. Cervantes na maselan ang gagawing operasyon kay Arroyo dahil ito ay gagawin sa bahagi ng kaniyang cervical spine. Tatagal din umano na tatlo hanggang limang oras ang procedure.

“Mayroon po siyang problem sa cervical spine, iyon po ang part ng spinal column sa level ng neck.The surgery itself is risky because it involves a very sensetive area in the spinal cord,” ayon sa doktor.

Sa ngayon ay sumasailalim na umano sa pre-operation procedures si Arroyo para sa gagawing operasyon.

Maalala na isinugod kahapon si Arroyo sa nasabing ospital pagkatapos nang pagbisita nito sa Pampanga habang ginaganap ang state of the nation address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Base rin sa doktor ni Arroyo, isa sa nagpapalala sa kondisyon nito ay ang stress at ang pagiging “workaholic.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply