Palasyo interesado sa nangholdap ng QC bank

UMAASA ang Malakanyang na iimbestigahan ng Quezon City Police, lalo na ng hepeng nakatalaga sa Commonwealth at Don Antonio Heights, ang insidente ng hold-up sa nasabing lugar Biyernes ng hapon.

Ayon kay deputy presidential spokesman Abigail Valte, bagama’t hindi niya nakita ang footage ng nasabing hold-up sa isang bangko sa Commonwealth Ave. at Don Antonio Heights ay nararapat lamang na maimbestigahan ito ng kinauukulan lalo pa’t nakasuot pa ng military uniforms ang mga nanloob sa banko ng BPI.

“Sana po ma-imbestigahan ho agad ‘nung hepe ho na in-charge doon sa area. Mayroong mga instances na gumagamit nga po ng mga uniporme ng pulis o kaya ng sundalo ‘yung mga masamang loob at sana naman po ‘pag natapos ‘yung imbestigasyon makitang hindi ho talaga kapulisan or hindi naman po sundalo ‘yung involved doon sa naging panloloob,” ayon kay Valte.

Umaasa naman si Valte na walang police o military personnel ang sangkot sa bank robbery sa kabila ng high-powered weapons ang napaulat na ginamit sa insidente.

Kamakalawa, tinatayang pitong armadong kalalakihan na may dalang Armalite rifles ang nangholdap ng isang sangay ng Bank of Philippine Islands sa Quezon City at umalis na bitbit ang hindi pa alam na halaga ng pera.

Sinabi ni Quezon City Police District director Chief Supt. George Regis na wala ni isa man sa kanyang mga tauhan ang nasaktan sa sandaling oras ng shootout sa pagitan ng mga salarin at mga pulis.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing tatlong suspek ang pumasok sa bangko at nagpanggap na customers, habang ang apat na iba pa ay nagsilbi namang lookout.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply