Palasyo pinag-aaralan ang isiniwalat ni Bedol

MASUSING pinag-aaralan ng Malakanyang ang mga pahayag ni dating Commission on Elelctions (Comelec) director Atty. Lintang Bedol kaugnay sa nalalaman nito sa umano’y dayaan noong 2007 elections.

Ayon kay Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda, hihimayin nilang mabuti kung may katotohanan ang mga isiniwalat ni Bedol at kung paano ito magagamit sa pagresolba ng election fraud.

Aniya, hindi dapat na isantabi ang impormasyon ni Bedol at aniya, dapat itong ma-assess.

Matatandaang matapos ihayag ni dating Autonumous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan ang nalalaman sa dayaan kung saan sinasabing sangkot ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang asawa nitong si Mike Arroyo, ay sunod na lumutang at nagsalita ang wanted sa batas na si Bedol.

Sa kabilang dako, maging ang Department of the Interior ang Local Government (DILG) ay tumutulong na rin sa paghahanap kay Bedol na nagpapainterbyu sa media pero hindi pa rin lumalabas para harapin ang kaso at iharap ang kanyang ebidensya.

SInabi naman ni Interior Secretary Jesse Robredo, inaalam nila ang “whereabouts’ ni Bedol lalo pa’t may pending warrant of arrest ito sa Comelec.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply