Palasyo walang alam sa planong pagpalit kay Lim

WALANG alam si Presidential spokesperson Atty. Edwin Lacierda sa planong palitan si Tourism Secretary Alberto Lim bunsod na rin ng balita na nakatakdang magbitiw sa tungkulin.

Sa katunayan, sinabi ng opisyal na nakipagkita at nakipag-usap pa si Pangulong Benigno Aquino III kay Lim noong Lunes, Hulyo 4 upang bigyan ng kaukulang direktiba kaugnay sa kung ano ang nais ng Chief Executive na  makita mula sa Tourism Development Plan.

Noong  araw ding iyon ay nag-ulat si Lim sa Punong Ehekutibo hinggil sa kanyang accomplishments sa nakalipas na taon.

“The important thing is the President conferred with Mr. Lim… the President gave instructions to the secretary of tourism and the secretary of tourism reported to the President what he’s been doing for the past year. What’s important is that the secretary of tourism reports to the President the projects under [the] DOT and that’s the only thing that matters,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

Binigyang diin ng opisyal na kuntento si Pangulong Aquino sa performance ni Sec. Lim kung saan ay magkakaroon pa ng mas maraming pulong sa pagitan ng dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply