‘Paliguan’ sa San Juan Flying V Arena

ANIMO humabol sa kapistahan ni San Juan de Bautista nang magpaliguan ang dalawang pares ng laro ng 87th NCAA men’s basketball seniors Lunes ng hapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ang unang paligo ay bumasa at pagpapatahimik sa host Perpetual Help Altas ng San Sebastian Stags, 87-60, para sa pangatlong panalo ng koponan ni coach Topex Robinson na sinundan ng pagpapalubog sa kumunoy sa Altas sa 4 na dere-derechong talo.

Ang top gun ni si Calvin Abueva ay nagtumpok ng 31 puntos, 15 boards, at 7 assists na sinundan ni Ronald Pascual ng 29 baskets.

Sa second game nilagot ng San Beda College Red Lions ang maagang pamamayagpag ng Lyceum of the Philippines University nang alisan sila ng takip sa mata ng Lions kasunod ng unang dalawang pagpupunyagi nila na pinatigil sa iskor na 89-69 ng Red Lions.

Anim na triples ang kinana nina Garvo Lanete at Melo Lim sa unang dalawang quarters bago tumapos ng 19 at 9 puntos, ayon sa pagkakasunod habang ang dalawang Pascual na sina Kyle at Jake ay bumuslo ng 10 at 8 points.

Magkakasubukan sa bukas, Miyerkules, ang Jose Rizal Heavy Bombers at Emilio Aguinaldo Generals at tatangkain namang masungkit ng Mapua Cardinals (0-1) kontra sa College of St. Benilde Blazers (0-2) sa The Arena.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply