Palparan hugas-kamay sa pagkawala ng 2 UP studes

ITINANGGI ni dating army general Jovito Palparan na may kinalaman siya sa pagkawala ng dalawang aktibistang estudyante ng University of the Philippines at ng isang magsasaka sa Bulacan noong 2006.

sinabi ni Palparan na walang batayan ang mga paratang laban sa kanya kaugnay ng pagkawala nina Sherlyn Cadapan, Karen Empeno at Manuel Merino.

Posible umanong binubuweltahan lamang siya ng mga militanteng grupo dahil naging aktibo siya sa kampanya kontra sa insurgency.

Bigo namang makapagsumite ng kanyang counter-affidavit sa preliminary investigation ang kontrobersiyal na retired general dahil noong miyerkules lamang umano niya

natanggap ang subpeona ng DOJ panel na nag-iimbestiga sa reklamo laban sa kanya.

Nangako naman ang kampo ni Palparan at iba pang respondent na magsusumite sila ng kontra salaysay sa susunod na preliminary investigation na itinakda sa ika-19 ng Hulyo.

maliban kay Palparan, kabilang din sa inireklamo ng mga magulang nina Cadapan at Empeño ay sina Lt. col. Rogelio Boac, commanding officer ng 56th infantry battalion; Lt. Col. Felipe Anotado, commanding officer ng 25th infantry battalion;  Lt. Francis Mirabelle Samson ng 7th Infantry Division; Arnel Enriquez, Master Sgt. Rizal Hilario ng 24th Infantry Battalion; at Master Sgt. Donald Caigas of the 24th infantry battalion.

Kabilang sa mga reklamong kinakaharap nila ay ang panggagahasa, serious physical injuries, grave threat, arbitrary detention, maltreatment of prisoners at grave coercion.

Hiniling ng kampo ng mga nawawalang aktibista ng UP na isailalim sa watchlist ng Bureau of Immigration si Retired Maj Gen Jovito Palparan.

Sa isinawagawang pagdinig sa DOJ, pormal na inihain ng kampo ng mga magulang nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno ang motion for the issuance of watchlist order laban

kay Palparan at sa mga kapwa niya respondent sa kaso ng pagkawala ng dalawang aktibista ng UP at ng kasamahan nilang magsasaka.

Ayon kay Atty. Jobert Pajilga, abugado ng mga complainant, iyon ay para matiyak na mahaharap ni Palparan ang reklamo laban sa kanya.

Inatasan naman ng panel of prosecutors ng DOJ ang kampo ng mga respondent na magsumite ng opposition sa nasabing mosyon sa susunod na pagdinig sa ika-19 ng Hulyo.

Samantala, sa isang panayam, sinabi naman ni Palparan na walang batayan at premature ang hiling na watchlist laban sa kanya dahil wala naman siyang balak na takasan ang kaso.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply