Palparan tumangging sangkot sa pagkawala ng UP students

NANINDIGAN si retired Army Maj. Gen. Jovito Palparan na walang matibay na ebidensiyang nag-uugnay sa kanya sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006.

Sa isinumiteng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ), mariing pinabulaanan ni Palparan na may kaugnayan siya sa pagkawala nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

Maliban kay Palparan, kabilang din sa inereklamo ng mga magulang nina Cadapan at Empeño sina: Lt. Col. Rogelio Boac, commanding officer ng 56th Infantry Battalion; Lt. Col. Felipe Anotado, commanding officer ng 25th Infantry Battalion; 2Lt. Francis Mirabelle Samson ng 7th Infantry Division; Arnel Enriquez, M/Sgt. Rizal Hilario ng 24th Infantry Battalion at M/Sgt. Donald Caigas ng 24th Infantry Battalion.

Binigyang-diin pa ng dating opisyal ng militar na wala rin itong maibibigay na impormasyon hinggil sa kaso dahil wala naman siyang kinalaman sa pangyayari.

Sa naunang pagdinig ng DOJ, hiniling ng mga complainants na mailagay sa watchlist ng Bureau of Immigration (BI) si Palparan at iba pang respondent dahil sa pangambang tumakas ang mga ito palabas ng bansa.

Maalala na noong Hunyo 26, 2006, naiulat ang nangyaring pagdukot sa mga biktima sa Hagonoy, Bulacan matapos umanong mapaghinalaan ang mga ito na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Noong Hunyo, inatasan naman ng Supreme Court (SC) si Palparan na agarang palayain ang dalawang nawawalang estudyante.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply