Pamamahagi ng ambulansiya ipinahinto ng PCSO

IPINATIGIL na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pamamahagi ng ambulansya at iba pang donasyon sa mga mahihirap matipos sumingaw ang eskandalo sa naturang ahensya.

Sinabi ni Antipolo Rep. Romeo Acop na kahit nakumpleto na ng kaniyang tanggapan ang requirements ukol sa requests ay nananatiling walang tugon ang PCSO.

Si Acop ay nagsabing sumulat ang kanyang tanggapan sa PCSO upang humiling ng dalawang ambulansya para sa malalayo at bulubunduking lugar sa kanyang distrito pero hanggang ngayon ay nakatengga pa rin ito.

Ito ay sa kabila aniya ng katiyakan na magbabayad ang local government ng 40 porsiyento ng kabuuang halaga ng ambulansya.

Malaki naman ang panghihinayang ni ACT Partylist Rep. Antonio Tinio sa diumano’y nawaldas na P325 milyong intelligence funds ng PCSO na katumbas sana ng 474 silid-aralan.

“This huge amount could have built 474 more classrooms. We could have prevented scenarios during the school opening like that in Payatas B Elementary School where pupils can hardly concentrate on their studies because of their congested classrooms,” ani Tinio.

Matatandaan sa isinagawang imbestigasyon ng Senado na sinabi ni dating PCSO General Manager Rosario Uriarte na ginamit ng PCSO ang P325 million para sa intelligence mula 2008 hanggang 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply