Pamemeke ng pasaporte ni Ping pinag-aaralan ng DOJ

PINAG-AARALAN pa ng Department of Justice (DOJ) kung dapat kasuhan si Sen. Panfilo “Ping” Lacson kaugnay sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na peke ang pasaporte nito.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na hinihintay din nila ang report ng Bureau of Immigration (BI) hinggil sa mga isyu ukol sa pag-alis at pagbalik sa bansa ng senador dahil wala pang warrant of arrest laban dito noong umalis ito sa bansa.

Matatandaang isinabit ang senador sa Dacer-Corbito double murder case.

Paliwanag ng kalihim, kapag hawak na nila ang lahat ng report ay pag-aaralan na nila kung dapat na kasuhan ng pamemeke ng pasaporte si Lacson.

Una nang inihayag ng DFA sa pamamagitan ni acting Foreign Affairs Secretary Rafael Seguis na peke ang pasaporte ng senador dahil hindi pa isinisiwalat ang serial number nito.

Agad namang nilinaw ni De Lima na ginagampanan lang niya ang kanyang trabaho bilang kalihim at ito ay hindi para gipitin ang mambabatas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply