Pananakot ng mga Aquino, Cojuangco ibinunyag

IBINUNYAG ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) na nagsimula na umano ng panggagapang at pananakot ang pamilya Aquino at Cojuangco kaugnay sa idinesisyong referendum ng Supreme Court.

Ibinunyag ito ng mga magsasaka na nag-piket sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa pangunguna ni KMP secretary general Danilo Ramos.

“The Cojuangco-Aquinos are now employing brazen bribery and coercion to preserve its stranglehold over Hacienda Luisita,”  ani Ramos.

Binanggit ni Ramos ang ulat na isang Juanito Luna,  supervisor sa HLI ang gumagapang at nagbabayad ng tig-P5,000 bawat magsasaka gayundin ang ulat ng isang Buena Timbol na ipinatawag na umano ni Ernesto Teopaco, tiyuhin ni Pangulong Aquino at secretary ng HLI vice-President for administration ang mga Barangay Captains sa may 10 barangay sa loob ng Hacienda Luisita.

“This is blatant corruption by the President’s relatives,” giit ni Ramos.

Kasabay nito ay binatikos ng mga magsasaka ang HLI co-owner na si Jose “Peping” Cojuangco Jr., tiyuhin din ni Pangulong Aquino dahil sa pagbansag sa mga magsasaka na “outsiders and leftists” ang nagpapalala umano ng desisyon ng SC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply