Pananatili sa Heart Center ni Zaldy Ampatuan inaprubahan

PINAYAGAN hanggang alas-12 ng tanghali bukas, Biyernes, Hulyo 22  si Zaldy Ampatuan na manatili sa Philippine Heart Center, iniulat alas-7 ng gabi.

Ito ay makaraang aprubahan ni Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes ang kahilingan ng doktor ni Zaldy na manatili pa sa pagamutan ang kanyang pasyente para sa iba pang checkup na gagawin sa kanya.

Nauna nang iniutos ng pamunuan ng Bureau of Jail Management Penology (BJMP) na kapag sumapit ang 6:00 ng gabi kanina at wala pa ring matanggap na desisyon mula sa korte ay kanila nang ibabalik sa kulungan sa Taguig City ang politiko.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply