Pandacan oil depot babantayan

BABARIKADAHAN ng Manila Police District (MPD) ang paligid ng Pandacan oil depot matapos magtaas muli ng presyo ng gasolina ang mga kumpanya ng langis na gumagamit sa nasabing pasilidad.

Nabatid kay Chief Insp. Erwin Margarejo, spokesman ng MPD, magde-deploy sila ng karagdagang tauhan sa paligid ng Pandacan depot upang tiyakin ang katiwasayan ng napipintong protesta ng mga militante at transport groups.

Ayon kay Margarejo, maliit lamang na bilang ng anti-riot teams ng MPD ang kanilang pagbabantayin sa entrance ng Pandacan depot upang hindi makalapit ang mga raliyista sa depot.

Matatandaan na nitong Martes ay nag-anunsyo ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Chevron (dating Caltex) Philippines Inc. ng P2 pagtaas sa premium gasoline, P1.50 kada litro sa regular gasoline at 80 sentimos kada litro ng diesel at kerosene.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply