Pandaraya ni GMA sa 2004 polls kakalkalin

HINILING ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Kongreso sa pamamagitan ng joint resolution na tukuyin ang tunay na nagwagi sa 2004 presidential election sa harap ng rebelasyon na nagkaroon ng malawakang dayaan na pumabor kay dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nitong nakaraang linggo, inakusahan ni dating Autonomous Region of Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan at Maguindanao election supervisor Lintang Bidol  si Rep. Arroyo na nagmanipula ng resulta ng halalan nitong 2004 at 2007.

Sa ilalim ng Senate Resoluton NO. 534, sinabi ni Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights, na naglalayong lumikha ng isang fact-finding commission upang imbestigahan ang 2004 electoral fraud.

Ayon kay Escudero, tagapagsalita ni yumaong Fernando Poe Jr., na malaki ang maitutulong ng resolusyon sa alegasyon na nagkaroon ng malawakang dayaan na nabenipisyuhan si Arroyo, na
tumakbo laban sa tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.

“The ghost of 2004 has continuously haunted our democratic system and electoral processes. We need to establish a fact-finding commission, define its powers and functions to enable it to make recommendations on who to recognize as the true fifteenth president of the republic,”ayon kay  Escudero.

Aniya, bukod sa ibang halalan, nananatiling hindi naisasara ang 2004 election at hindi na maaari pang maresolbahan dahil moot and academic na ang nangyaring dayaan.

Sinabi pa ni Escudero na puwede sanang maresolbahan ang kontrobersiya na bumabalot sa 2004 presidential election ng Presidential Electoral Tribunal kundi lamang namayapa ang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Ipinanukala ni Escudero na magbuo ng isang fact-finding commission na kinabibilangan ng retiradong hukom ng Supreme Court na itatalaga ng Pangulo at magsisilbing tagapangulo
kabilang ang kalihim ng Department of Justice, isang commissioner ng Commission on Election na pipiliin ng chairman ng poll body at kinatawan ng Senado at Mababang Kapulungan bilang
ex-officio members na itatalaga ng dalawang liderato ng Kongreso.

May mga sumusunod na kapangyarihan ang komisyon: Magpalas ng subpoena;

  1. Atasan ang sinumang testigo na dumalo sa pagdinig at maghain ng ebidensiya;
  2. Magpataw ng contempt sa sinumang indibiduwal na susuway sa anumang pag-uutos, kautusan o resolusyon;
  3. Magpalabas ng kautusan at resolusyon na kakailanganan o higit na kailangan sa kanyang tungkulin bilang fact finding body;
  4. Magpalabas ng rules and regulation sa pagtanggap, ebalwasyon, admisyon at kustodiya ng ebidensiya alinsunod sa patakaran na itinakda ng joint resolution.
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply