Pangako ng US sa PH sa Spratlys tinutupad na

MAGANDANG balita  para sa Pilipinas ang desisyon ng Amerika na manatiling nagbabantay at nagmaman-man sa palibot ng Timog Karagatan ng Tsina na ang ilang bahagi nito na mayaman sa langis ay parte ng teritoyo ng Pilipinas subalit inaangkin ng Tsina, at ng Malaysia, Brunei, Vietnam at Taiwan din.

Ayon sa mga balitang nakarating sa Maynila labis na nangangamba ang Washington na humantong ang sigalot na ito ng limang bansa sa isang kaguluhan na hindi inaasahan.

Nakasigalot ng Tsina ang Pilipinas at Vietnam nito lamang nakalipas na ilang buwan sa ginawa umanong mga paglusob (intrusions) at pag-angkin ng Tsina sa malaking bahagi ng karagatang daanan ng mga barko.

Sinabi ni Admiral Mike Mullen, tserman ng Joint Chiefs of Staff ng sandatahang lakas ng US sa pagsisimula ng kanyang apat na araw na pagbisita sa Tsina na ikinababahala niya na sumiklab ang gulo nang hindi inaasahan  dahil sa maling pagkalkula.

Kaya’t ito raw ang dahilan ng ginagawang pagtanod ng puwersang Amerikano sa lugal na pinag-aagawan upang daanin sa mapayapang mga pag-uusap ang pagresolba sa hidwaan.

Gayunman, minasama ng Tsina ang presensiya ng Amerika sa South China Sea na isa umanong uri ng pakikialam sa problema sa pagitan ng dalawang bansa na kung saan pinangakuan ng US ang Pilipinas ng ayudang militar sakaling magkaputukan.

Ang Spratlys ay isa sa pitong maliliit na kapuluan sa South China Sea na inaangkin din  ng Vietnam, Malaysia, Taiwan at Brunei. Ang bawa’t isa sa kanila ay may mga sundalong nakahimpil sa grupo ng mga islang ito.

Walang mga katutubong naninirahan sa Spratlys na binubuo ng 750 reefs, maliliit at malaki-laking pulo na nababalutan ng damo at bansot na mga puno. Mayaman ang Spratlys sa iba’t ibang isda at lamang-dagat.

Subalit mas higit itong mayaman sa mina ng langis at natural na gas base sa mga ginawang pag-aaral ng mga eksperto. Ang yamang ito sa ilalim ng dagat ang pinag-aagawan ng limang bansa.

Inaangkin ito ng Tsina base sa kasaysayan at sa katotohanan umano na ang Spratlys ay bahagi ng South China Sea na buong pag-aari ng Tsina.

Iginigiit naman ng Pilipinas na may higit itong karapatan sa Spratlys hindi lamang sa dahilang  mas malapit ito sa bansa kaysa sa Tsina kundi ito ang itinatadhana ng international law.

Sumiklab ang tensiyon sa Spratlys nang pahagingan umano ng bala nang pitong pagkakataon ng namamatrulyang bankang pandigma ng Tsina ang mga mangingisda at sundalong Pilipino na nakahimpil sa isla.

Kagyat na naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas sa pasuguan ng Tsina sa Maynila sa pambubuling ito ng mga sundalong Tsino sa mga sundalong Pilipino na nagbabantay sa isla halos kasabay ng paghahain ng reklamo ng Piipinas sa United Nations.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply