Pangasinan nasa state of calamity

NASA state of calamity na ang Pangasinan bunsod ng malaking danyos na idinulot ng baha.

Labis na naapektuhan ng baha ang sektor ng agrikultura sa lalawigan na umabot na ang pinsala sa P157.4-milyon halaga at P95.8-milyon ang pinsala sa mga pananim at palaisdaan.

Hindi naman kasama sa state of calamity ang Dagupan City dahil sa pagiging independent at chartered ng lungsod na ito.

May basehan ang provincial government kung bakit idineklara ang state of calamity sa Pangasinan, kahit hindi lahat ng bayan dito ay nalubog sa tubig baha.

Ipinaliwanag ni Avrenix Arenas, tagapagsalita ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management Council (PDRRMC) sa isinagawang special sessions, kabilang sa mga parameters na naging dahilan sa kanilang aksyon ay ang pagakakaapekto ng 20 porsiyento ng mga residente, pagkasira ng 40 porsiyento ng kanilang mga kabuhayan, pati ng mga tulay at mga kalsada, at ang pagdeklara ng dalawang bayan na nasa state of calamity.

Sinabi rin ni Arenas, dahil naideklara ang state of calamity, tututukan ng Department of Trade and Industry ang pagmonitor sa presyo ng mga commodities.

Maglalaan din ng 50 peorsiyentong pondo sa medical service at puwede pang manghingi ng tulong pinansyal sa National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply