Panggagamit ni Katherine tinawanan lang ni Coco

TINATAWANAN lamang ng kampo ni Coco Martin ang biglang paglitaw muli ni Katherine Luna, ang babaIng naugnay sa kaniya noon at nabuntis. Hindi na bago sa kanila ang panggamit muli ni Katherine ng pangalan ni Coco sa pagbabalik nito (Katherine ) dahil sa pangangailangan nito ng publisidad sa ginawang indie film sa ngayon.

Nagtataka loang ang aming kausap (from Coco’s camp) na sa tuwing lumilitaw ang dating boldstar, lagi na lang si Coco at ang diumano’y sustento nito sa anak ang binabanggit ni Katherine?

“Why not mention the merits of her movie at hindi pangalan ni Coco ang laging mini-mention?” reaksiyon pa ng aming kausap.

Gaya daw ng mga naunang claim o pasaring ng dating karelasyon, hindi raw natitinag ang estado ni Coco dahil alam naman daw nila na hindi nagkukulang ang aktor sa suporta sa kanilang anak.

Kaysa daw problemahin ni Coco ang panibagong pandadawit sa kaniyang pangalan, iniisip na lamang nito ang mga positibo at magagandang projects na kaniyang kahaharapin sa darating na mga araw.

Magkakaroon daw ito ng show sa Guam at pagbalik nito ng Maynila, uumpisahan nito ang isa pang teleserye (na follow-up sa  matagumpay na “Minsan Lang Kita IIbigin,” na kasalukuyan pang ini-ere sa Kapamilya) at tatlo pang out-of-the-country commitments.

Sa totoo lang, kaya naman good karma si Coco dahil hindi daw nito kinakalimutan ang obligasyon sa anak kay Katherine. Katatapos lamang niyang mapangarangalan bilang Urian Actor of the Year at Best Actor din sa katatapos lamang na PMPC Star Awards for Movies na ginanap last month for his movie, “Noy”. Bukod pa rito ang parangal na Breakthrough Artist sa katatapos ding OMG Yahoo Awards.

—@@@—

SA naging panayam kay Jacklyn Jose ng “TV Patrol” tungkol sa lalaking nakabuntis sa anak na si Andi Eigenmann, naging palaisipan din ang sinabi nitong ang first boyfriend daw ng anak ang nakabuntis sa kaniya.

But lately, sa kampo ni Jake Ejercito at ni Albie Casino, pareho silang nagdi-deny na sinuman sa kanila ay hindi ang naging unang  boypren ng Star Magic artist na unang napanood sa “Agua Bendita.”

At dahil sa di pag-amin ng dalawa, lalo tuloy naging palaisipan ( at lalong nagulo ) ang senaryo kung sino nga ba ang nakadale sa 21 year old na mommy-to-be?

But talking to Albie Casino’s relatives, pinangangatawanan nilang hindi si Albie ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi.

The fact na matapang silang naghahamon for a DNA test ay isang pagpapatunay na meron pang mga nakatagong “lihim” sa kung sino ang tatay, ama, o daddy ng isisilang na anak ni Andi.

—@@@—

KAHIT pa raw super-busy ang schedules ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, may nakalaan silang oras para sa dalawang anak na sina Yohan at babay Lucho.

“Nagri-wrestling, nagkikilitian, naghahabulan sa bahay, ” deskripsiyon ni Ryan sa sayang kanilang inaabutan sa bahay kapag sila’y magkakasama.

Dahil sa unti-unti na ring laman ng TV commercials si Yohan, ipinaliwanag ng couple na ito ang nagkukusang gawin ang trabaho gaya nitong bagong Purefoods Hotdog products na silang tatlo (Juday,Ryan at Yohan) ang nagi-endorso.

Ang maganda pa nito, lahat ng kinikita ng mga anak(si baby Lucho ay meron na ring commercial) ay napupunta sa kanilang sariling pondo para sa kanilang paglaki ay meron na silang nakahandang “hidden wealth.”

Sa totoo lang, bonggang-bongga sila Yohan at baby Lucho dahil maaga pa’y ang kanilang kinabukasan na ang pinaghahandaan nina Juday at Ryan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply