Panibagong LPA namataan

NAMATAAN ngayon, Hulyo 8, ang isang low pressure area (LPA) sa layong 230 kilometro Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration  (Pagasa), ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas pa rin ng makulimlim na panahon ngayong araw na ito na may pag-ulan sa dakong hapon o gabi.

Sa Baguio City pa rin ang may pinakamalamig na panahon sa 15 degrees celsius at pinakamainit naman ang temperatura sa Cagayan De Oro, Metro Davao at Zamboanga City sa 33 degrees Celsius.

Ang araw ay sumikat kaninang 5:33 ng umaga at inaasahan ang takip silim mamayang 6:30 ng gabi. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply