Panibagong oil price hike nakaamba

MATAPOS patikimin ang mga motorista ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, nagsimula na namang umamba ang posibilidad na oil price hike sa susunod na linggo.

Batay sa impormasyon, ikinatuwiran na naman ng kumpanya ng langis ang pagtaas ng bentahan ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Idinahilan nila na nagmahal ng $8 kada bariles ang presyo ng gasolina, habang $2.05 naman sa bawat bariles ng diesel.

Dahil dito, posibleng patawan ng oil players ng hanggang P2 ang kada litro ng gasolina at 50 sentimo sa kada litro ng diesel.

Nitong Hulyo 1, nagpahayag ang Pilipinas Shell ng rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply