Panibagong rollback sa presyo ng LPG inaasahan

NAGBABADYA na naman ng panibagong pagbaba sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa susunod na ilang araw.

Ayon kay LPG Marketers Association (LPGMA) president Arnel Ty na asahan na ang muling paglagapak sa presyo ng LPG sa mga darating na araw  kahit kapatutupad pa lamang ng rollback  ng piso kada kilo ng LPG noong Lunes, Hulyo 4.

Ipinaliwanag ni Ty na ang muling pagbabawas sa presyo ng cooking gas ay dahil pa rin sa patuloy na pagbaba  ng contract price ng LPG sa international market.

Pero sa kabila nito ay hindi pa matantiya ni Ty kung magkano ang posibleng maging rollback. Sa kasalukuyan ay naglalaro sa pagitan ng P675-678 ang presyo ng bawat tangke ng LPG.

Pinayuhan naman ni T yang mga consumers na siguruhing nasa wastong timbang ang kanilang binibiling LPG. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply