Panibagong taas-presyo ng langis nakaamba

PANIBAGONG kalbaryo nanaman ang aabangan ng mamamayang Pilipino dahil sa nakaambang pataas ng presyo ng gasolina sa bansa.

Muli na naman nagtaas ng presyo ng gasolina sa pandaigdigang pamilihan dahil sa pagbabaga ng oil reserves ng Amerika.

Pumalo ng $118.15 kada bariles ng langis ang presyo sa London at umabot naman ng $98.14 kada bariles ang presyo sa New York.

Ngayon palang ay lubos na tinutulan ng mga grupo ng mga tsuper ng public transport ang panibagong pagtataas sa presyo ng langis sa bansa. Ang nangakong magtutuluy-tuloy ang kanilang gagawing tigil pasada para magising umano ang pamahalaang Aquino at ang mga kompanya ng langis.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply