Parak inireklamo ng mga batang vendor

PAWANG mga binatilyong vendor ang naging biktima ng isang bagitong pulis na tumangay ng kanila-kanilang kita sa pagtitinda ng nilagang saging, iniulat ng pulisya.

Kung mapatutunayang positibo sa bintang ng mga binatilyo, malamang na masibak ang pulis na nakilalang si PO1 Genaro Ruiz nakatalaga sa Manila Police District-Sta. Ana Police Statiion 6.

Kasama ang tinatawag nilang Tita Alma, nagtungo sina “Bitioy,” 13 anyos; “Utoy,” 14; “Buboy,” 16 at “Peter” 17, mga hindi tunay na pangalan, para maghain ng reklamo kay PO1 Ruiz.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Insp. Anita Araullo, hepe ng MPD-Children and Women Protection Unit sa Headquarters, naganap ang nasabing insidente sa Osmeña Highway sa Malate dakong 9:00 ng umaga nitong Hulyo 22, at sa SM Aca sa Makati City.

Nabatid sa report ng pulisya, bigla umanong sumulpot si PO1 Ruiz sakay ng motorsiklo, habang magkakaumpok ang mga binatilyo na nagtitinda ng nilagang saging.

Kinuha umano ng naturang pulis ang P200 kita ni Bitoy, at isa naman dito ang sinabihang nagsusugal, kaya sapilitan ding kinuha sa bulsa ang P110 kita ng isa habang nagtitinda naman ito sa SM Aca sa Mayapis St., sa Makati City.

Dahil dito, agad nila itong ipinagbigay-alam sa kanilang tinatawag na Tita Alma, kaya agad na inaalam nito ang pangalan ng nasabing pulis, bago sila naghain ng reklamo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply