Parak, misis niyari sa Batangas

PATAY ang isang kagawad ng Pasay PNP at asawa nito matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Malvar, Batangas, sa ulat ng pulisya nitong Lunes.

Dead on the spot si P03 Zoilo Manalo na nakatalaga sa Southern Police District habang binawian nang buhay habang ginagamot sa ospital ang  misis na si Elvie.

Sa ulat, galing sa pakikipag-libing ang mga biktima at paparada na sa kanilang bahay sa Brgy. Poblacion bandang 4:00 ng hapon nang biglang paulanan ng bala ng mga salarin.

Sa ngayon ay inaalam na ng pulisya ang motibo ng pamamaslang at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply