Parak patay sa 2 kelot

PATAY ang isang parak makaraang makaengkuwentro ang dalawang hinihinalang nanggugulo sa isang commercial establishment madaling-araw ng Lunes sa Muntinlupa City.

Ayon sa report ng dzBB, kasalukuyang tinutugis ngayon ng pulisya ang dalawang suspek na tumakas makaraan ang pamamaslang kay PO1 Alvin Amac na naganap bandang 1:30a.m.

Nabatid pa sa report na nagtamo ng tama ng bala sa bandang dibdib ang biktima at idineklarang dead on arrival makaraang isugod ito sa pinakamalapit na ospital.

Batay pa sa inisyal na report, nagtungo si Amac at isang SPO1 Ernesto Parra sa commercial establishment sa Alabang makaraang mabalitaang may dalawang lasing na nanggugulo at nagpapaputok ng kanilang mga baril.

Nabatid na nang makarating ang dalawang pulis, kaagad itong pinaputukan ng mga suspek na ikinasawi ni Amac. Agad namang tumakas ang dalawa na kasalukuyang tinutugis ngayon ng pulisya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply