Parak tepok sa pamamaril, 2 sibilyan nadamay

PATAY ang isang pulis habang dalawang sibilyan ang nadamay sa pamamaril sa Cotabato habagi, Hulyo 8.

Ayon sa inisyal na ulat, nasawi si SP02 Vic Matias, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lalawigan at sugatan naman ang maybahay nitong si Elly Matias at ang kamag-anak na si Antonio Celestial.

Batay pa sa ulat ng pulisya, habang nag-uusap bandang pasado alas sais ng gabi ang mga biktima sa balkunahe ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Antipas nang sumulpot ang mga suspek at biglang nagpaulan ng bala.

Nahuli naman ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply