Parak vs NPA: Sibilyan patay

PATAY ang isang sibilyan habang dalawang pulis at ilang miyembro ng mga rebelde ang sugattan makaraang umatake ang mga hinihinalang New People’s Army sa istasyon ng pulisya sa Agusan del Sur province, Sabado ng umaga.

Ayon sa report ng dzBB, tinatayang 200 na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagtangkang kubkubin ang istasyon ng pulisya bandang 5:00 am sa bayan ng Trento , ngunit tumakas din makaraang ang isang oras nang rumesbak ang mga pulis.

“Definitely they want to overrun the station with their number , umabot ng isang oras ang attack. Sensing that reinforcement troops were closing in, the rebels were forced to withdraw,” ayon kay Caraga police head Chief Superintendent Reynaldo Rafal sa isang panayam sa dzBB.

Samantala, hindi naman kaagad napangalanan ang nasawi at sugatan sa nasabing bakbakan.

“Sa hanay ng pulis may dalawang slightly wounded at isang civilian ang namatay ,” dagdag pa ni Rafal.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply