Parang Katipunera:Pagsugod ni Marian kay Bela ginawa rin kay Heart

ANO bang meron si Papa Dingdong Dantes at ganon na lamang ang sobrang takot ni Marian Rivera na mawala ito sa kanya?

Lahat ng babaing madikit lang o may masabi tungkol sa kanyang boyfriend ay talagang umuusok agad ang ilong ni Marian. Ang laki pa naman ng butas. Hehehe!

Anyway, tandang-tanda pa marahil ninyo ang ginawa nito kay Bela Padilla kung saan sinundan niya sa banyo ang talent na ‘to ni Claire dela Fuente at talagang dinuru-duro daw sa tungki (mabuti na lamang at hindi nasikwat ang kulangot. Hahahaha!) ng ilong ang dalaga at saka tinakot at binantaan.

Hanggang ngayon may trauma pa si Bela sa ginawang ito ni Marianita. Ikaw ba naman ang kornerin sa CR ng isang taong animo’y baliw na magkakatsang sa harapan mismo ng pagmumukha mo. Aba’y mabuti na lamang at hindi katulad ng siyota ni Papa Dingdong ang isang broadcaster ng GMA-7 na tumatalsik ang laway kapag nagsasalita, dahil kung nagkataon, naghilamos nang wala sa oras si Ms. Padilla.

Ngayon heto’t ang mas maliit na si Heart Evangelista naman ang tinarget ng kamag-anak ni Brenda (Read: Brain-damaged. Hehehe!). Dalawang beses daw itong pinasok sa kwarto ng bidang ito ng fantaseryeng “Mamaya Na” at tinakot, binantaan na ipapatay sa fans at sinigaw-sigawan pa. Aba’t anong akala niya kay Heart, bingi? Hehehe!

At alam n’yo ba na ‘yung sinasabi niyang mga fans na kakatay sa bata ni Daniel Matsunaga? Iyon daw ‘yung kinausap ni Marian nu’ng nakaraang buwan sa isang resto at pinag-mitingan nila ang gagawing pananakot umano sa una sa pamamagitan ng social networking, sa sulat, sa cellphone at iba pang uri ng komunikasyon.

Imagine, kinasabwat ang fans para lamang sindakin ang sadit-sadit (translation: maliit) na si Heart na wala namang ginawang kasalanan sa kanya kundi ang nasabi lamang nito na excited na siyang makasama si Papa Dingdong sa isang proyekto.

Susme!

Nababaliw ka na ba Marian?

Paging Channel 7, disiplinahin n’yo naman ang artista n’yo. Hindi puwedeng ganyan na lagi n’yo na lang tino-tolerate ang kaluka-lukahan ng talent n’yong si Marianita. Hindi magandang halimbawa ‘yan sa mga taong umiidolo sa kanya. Pati ang fans n’ya nakaiisip ng masama para lang ipagtanggol siya.

Papa Dingdong, ipa-doktor mo na ‘yang siyota mo. Baka pati ikaw makagat pa n’yan. Hahahaha!

***

Nora Aunor, sinisi pa ang fans na napanghal sa kahihintay sa airport

“MAY mga naghintay ba kanina? Wala naman akong sinabing uuwi, bakit pumunta kayo dun?”

Ito ang reaksiyon ni Nora Aunor nang interview-hin siya kahapon ni German Moreno via overseas call sa pamamagitan ng radio program nito dahil sa hindi nito natuloy na pag-uwi sa Pilipinas.

Pagkatapos nating mahilo sa kapraningan ni Marian Rivera, heto’t dumagdag pa ang idol natin. Magtatanong pa s’ya kung bakit inabangan siya sa Tom Bradley sa airport sa Los Angeles at dito sa Centennial airport sa Pilipinas ng kanyang mga fans gayong sa interview sa kanya sa ABC CBN Channel 2 ay sinabi niyang uuwi s’ya. Maging ang mga kaibigan nga niya ay nagsabing uuwi siya ng July 21.

“Dapat kasi kay Kuya Germs lang kayo nakikinig at magtatanong, kasi siya kasi ang unang makakaalam niyan,” sinabi pa ni Ate Guy na may halong panisisi sa kanyang mga fans.

Anyway, nauwi sa kumustahan ang lahat.

“Kamusta na po kayo? nami-miss ko na rin kayong lahat. Sa aking mga pamilya, mga anak, at sa aking kapatid na si Buboy [Villamayor], at siyempre si Kuya Germs, kamusta na lang kayo d’yan.”

Kung kaylan siya uuwi eto ang sagot ni Nora:

“Ang Ninong (Kuya Germs) ko ang unang makakaalam kung ano ang gagawin ko, kung hindi, baka i-break ako niyan!”

Kung susumain ang mga sinabi ni Baluga, parang nabigla lang siya nang bigyan ng isang fans ng plane ticket na nanggaling sa Pilipinas dahil ang sabi nito, umuwi na raw siya dahil marami ng naghihintay sa kanyang fans.

Ibig sabihin, binalewala lang ng Superstar ang nasabing ticket?

Kung kaylan siya uuwi sa bansa, heto naman ang sagot niya kay Kuya Germs:

“Ang sabi ko, ‘Bakit hindi na lang muna natin hintayin yung resulta ng usapan nila Kuya Germs at saka ng isang malaking istasyon. Nang sa ganun, pagdating ko naman diyan….para naman magkaroon ako.”

Teka lang, mukhang wala yata sa eksena ‘yung pelikulang “El Presidente” ni Gov. E.R. Ejercito. Hindi pala ‘yun ang dahilan kung bakit siya uuwi siya rito?

Kasi nga naman, wala pa naman daw script na ibinigay kay Nora at lalong wala pang cash-advance. Hehehe!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply