Pari tinangkang tagain habang nagmimisa

TINANGKANG patayin ang isang pari habang nagmimisa sa Tacloban City, habang sugatan naman ang sakristan nito.

Sa kabutihang palad napigilan ng sakristan na si Enrico Estrella ang pananaga ng suspek na si Divina Guantiro, 43, kaya nakaligtas sa tiyak na kapahamakan si Fr. Isagani Petilos, pariest priest ng Sto. Nino church sa Tacloban City.

Si Guantiro na pinaniniwalaang may diperensya sa pag-iisip at residente ng Barangay Pawing, Palo, Leyte, ay nakakulong na ngayon sa Tacloban police at sasampahan ito ng attempted homicide at serious physical injuries.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-sais ng gabi ng Biyernes, Hulyo 1, sa harapan mismo ng altar ng naturang simbahan.

Nabatid na nagmimisa si Petilos nang bigla sinugod ni Guantiro at inambahang tatagain ang naturang parish priest, pero mabilis na nasangga ni Estrella kaya siya ang nagtamo ng sugat sa kanang braso.

Bagama’t sugatan, naagaw ni Estrella ang stainless folding knife sa kamay ni Guantiro, habang ang ilang kalalakihan naman na dumalo sa misa ang sama-samang dinakma ang suspek.

Si Petilos ay naitalaga noon nakaraang taon bilang parish priest ng Sto. Niño Parish Church. Robert C. Ticzon

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply