Parks at Bulldogs dinurog ng Blue Eagles

ANG inaasahang kapana-panabik na salpukan ng National University Bulldogs at Ateneo Blue Eagles dahil sa paghaharap ng mga prize rookies na sina Bobby Ray Parks, Jr. at Emamanuel Mbe sa panig ng Bulldogs at sina Keiffer Ravena at Greg Slaughter ng Eagles ay sa unang dalawang quarter lamang na kinakitaan ng bakbakan, na nagpalit ng husay at galng na nagsara sa iskor na 38-20 pabor sa Katipunan dribblers

Sa pagragasa nina Slaughter, Ravena, Miko Salba, Kirk Long at Emman Monfort sa huling half ay tuluyang tinuka ng Eagles ang Bulldogs, 86-62, tungo sa pagsungkit ng 3-0 na abante sa 18-composition ng UAAP season 74 sa Araneta Coliseum.

Nakatatlong puntos si Parks sa first half bago tuluyang tumapos ng 20 habang si Mbe ay nagdiyeta sa kanyang 10 points.

Naitala naman ng Far Eastern University Tamaraws ang ikalawang panalo kontra ng isang talo nang pabagsakin ang University of the East Red Warriors sa iskor na 66-47 para ihatid sa kanilang ikatlong talo ang Claro M. Recto dribblers. Ang mga second stringers ni coach bert Flores ay nagpiyesta laban sa mga Bulldogs na halatang napipilan sa depensa ng tropa ng Morayta.

Maghaharap bukas, Sabado ang La Salle Green Archers at UP Fighting Maroons na susundan ng University of the East laban sa 3-time defending champions Blue Eagles sa Big Dome simula ala-una makapananghali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply