Bitay para sa 2 Pinoy ibinaba sa habambuhay

MULA sa parusang kamatayan, ibinaba sa habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw sa dalawang Pilipino  na nahaharap sa kasong drug smuggling sa Tsina.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang habambuhay na pagkakabilanggo ang naging desisyon ng Hangzhou Intermediate People’s Court sa dalawa.

Matatandaang hinatulan ng parusang kamatayan na may two-year reprieve ang dalawang hindi pinangalanang Pinoy na nagsilbing drug mules nang pumasok ang mga ito sa teritoryo ng China.

Dito ay napatunayang nagbitbit ang dalawang Pinoy ng mahigit 1.2 kilo ng heroine sa kanilang bagahe.

Sinabi naman ng DFA na naging basehan ng korte ang ipinakitang magandang asal at gawain sa loob ng kulungan ng dalawang Pinoy kaya napababa ang kanilang sentensya. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply