Pasahe sa dyip tataas

BINUHAY na muli ni ACTO president Efren de Luna ang kanilang hiling sa LTFRB na dagdag pisong pasahe sa unang apat na kilometro dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Galit na iginiit ni de Luna na kailangan nang magtaas sila ng pasahe dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga dambuhalang kompanya ng langis.

“Ibang klase naman itong mga oil companies kapag nagtaas ng presyo sa world market kaagad nagtataas subalit kung nagbaba naman ng presyo, eh kay bagal ng pagbaba at konting halaga lang ang ibinababa ng presyo. Kailan pa ba nagbaba ng nagbaba ng presyo ng dalawang peso? Kalokohan na ito,” ayon sa isang miyembro ng ACTO.

Nagpahayag ng saloobin ang Pasang Masda na pinamumunuan ni Obet Martin na magsasagawa sila ng tigil pasada sa mga susunod na mga araw. Sinundan naman ito ni Piston Secretary General George San Mateo dahil umano sa panggigipit sa kanila ng mga kompanya ng langis.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply