Paslit itinumba sa harapan ng mga utol

NAHAHARAP sa blangkong pader ang pulisya hinggil sa pamamaril sa isang paslit sa Cagayan de Oro City, Biyernes ng umaga.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa dibdib ang biktimang si Arian Dungo, 3-anyos, ng Barangay Dansolihon, CDO.

Nangangalap pa ang pulisya ng mga testigo sa insidente para matukoy kung sino ang pumatay sa biktima at kung ano ang motibo nito sa krimen.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas 8 ng umaga sa isang bisinidad sa naturang barangay.

Bago ito, nabatid na kasamang naglalakad ng biktima ang ilan sa kanyang mga kapatid nang bigla itong barilin ng hindi nakikilalang armadong lalaki.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek sakay sa isang walang plakang motorsiklong na minamaneho pa ng isang suspek.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Lumbia Police Station ang nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply